P6.8-M SHABU NABINGWIT SA BAYBAYIN SA BATANGAS

UMAABOT sa mahigit isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P6.8-M ang natagpuan sa baybayin ng Lian sa Batangas, Martes ng umaga.

Ayon kay SSGT. Arturo Sales ng Lian police station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen nang may matagpuan itong isang pakete sa tabing dagat ng Sitio Pigtasin, Barangay Luyahan bandang alas-7:30 ng umaga.

Nang kanilang siyasatin, naglalaman ito ng kulay puting powder na pinaghihinalaang shabu at agad na iti-nurn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batangas para isailalim sa chemical examination.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang Lian police kaugnay sa narekober na droga.

Matatandaang noong Marso lamang nang makarekober ang Philippine Coastguard ng mahigit P120-M halaga ng cocaine sa mga baybayin ng Surigao del Sur at Surigao del Norte maging sa Eastern Samar. (NILOU DEL CARMEN)

68

Related posts

Leave a Comment