BINIGYAN ng 10 araw ng Korte Suprema ang Office of the Ombudsman para magkomento sa petisyong inihain ng isang local government official sa Cebu na kanilang sinuspinde.
Ang petisyong isinampa ni Cebu City Mayor Michael Rama ay kaugnay ng suspension order na inilabas ng Ombudsman laban sa kanya dahil sa umano’y harassment sa ilang kawani ng city hall at sa hindi pagpapasahod sa mga ito sa loob ng sampung buwan.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, hinihiling ni Rama na ipawalang-bisa ang suspension order ng Ombudsman at ideklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng Ombudsman Act of 1989.
Base sa resolusyong ni Ombudsman Samuel Martirez, nakitaan ng sapat na grounds para suspindehin si Rama dahil sa grave misconduct, conduct unbecoming of a public officer at conduct prejudicial to the best interest.
Bukod sa alkalde, pito pang opisyal ng city hall ang suspendido mula pa noong Mayo. (JULIET PACOT)
126