Humingi ng tawad dahil ipinapanalo si Marcos FILIPINOS DESERVE BETTER – VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

TILA puno ng panghihinayang at pagsisisi si Vice President Sara Duterte dahil naging kasangkapan siya para makabalik sa Malakanyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay nito humingi ng paumanhin ang bise presidente sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo ito bilang pangulo noong 2022 national elections.

“Nais kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022.

Nawa’y mapatawad ninyo ako,” ani Duterte sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo, Agosto 25.

Binanggit din niya na posibleng dahilan ng panggigipit ngayon kay Pastor Apollo Quiboloy at sa KOJC ang pagiging malapit nila sa mga Duterte.

“Hindi ko rin maiwasang matanong sa sarili kung ang paggamit ba ng di pangkaraniwang pwersa at di makatarungang pang-aabuso sa ordinaryong Pilipino, upang maipatupad ang naturang warrant of arrest, ay dahil sa ang akusado ay isang kilalang Duterte supporter.

Sina Marcos at Duterte ay binuo ang UniTeam noong 2022 national elections. Ngunit makalipas lang ang isang taon ay nabuwag ang pagkakaisa ng mga ito.

Muling umugong ang pagkabuwag ng UniTeam matapos magbitiw si Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Marcos at hindi pagdalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo.

Samantala, naglabas din ng pahayag si dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng operasyon ng pulisya sa KOJC compound mula noong Sabado.

“We call on all Filipinos, regardless of political persuasion, to offer prayers for peace and justice, and to spare our people of the unwarranted tension brought about by the reign of fear and terror by people sworn to uphold the law and protect the citizens of this country.”

“Again, let us ask this administration how it can guarantee the preservation of the constitutional rights of our fellow Filipinos when even the most fundamental of these rights are being blatantly violated?” aniya pa.

Nasa 2,000 pulis ang pumasok sa compound noong Sabado upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa nito akusado.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy ang Anti-Trafficking in persons Act of 2003, Republic Act 7610 at contempt of court.

104

Related posts

Leave a Comment