BISTADOR ni RUDY SIM
VERY unprofessional! ‘Yan ang mariing tinuran ni Senador Joel Villanueva matapos mag-trending ang isang larawan kung saan nakita na nakikipag-group picture ang ilang miyembro ng Bureau of Immigration at isang unipormadong taga-NBI, kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, matapos na ito ay i-turnover ng Indonesian authorities. Nakunan ang larawan habang magkakasama sa isang sasakyan si Mayora habang pawang nakangiti ang kanyang mga escort na animo’y pupunta sa isang excursion. Ngek!
Actually, hindi lang si Senador Villanueva ang nadismaya kundi ang maraming netizens sa inasal na ito ng nabanggit na law enforcers. Obvious na na-star struck ang mga ito kay Guo na para bang ito ay miyembro ng isang Korean K-Pop! Sandamakmak na pamba-bash ang inabot ng grupo dahil ayon sa mga nakakita sa larawan, ay hind ito naaayon sa tamang asal ng isang otoridad ng bansa.
Ayon sa ating impormasyon, ang lalaki na nakita sa larawan ay ang mismong hepe ng BI Fugitive Search Unit na si Intelligence Officer Rendel Ryan Sy, habang ang dalawang BI intelligence officers ay sina Rebecca Dulalia at Maristela Gandamra na pawang kabilang sa BI Intelligence Division. Ang isang babae naman na nakasuot ng NBI jacket ay kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng opisina ni Department of Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla.
Sa ating palagay, talagang hindi maganda ang ganitong klase ng demeanor kung nasa poder mo ang isang pugante na pinag-uusig ng batas. Hindi nga naman malayo na mabigyan ng special treatment si Alice Guo kung sa umpisa pa lang ay nakikitang very accommodating ka sa kanya. Ano kaya ang say ni soon-to-be EX na si Kume na biglang nag-ghosting sa nakaraang Senate hearing? Hahaha!
Samantala, sa nakaraang Senate hearing ay nasentro ang usapan hindi lang sa pagtakas at pagkakadakip sa dating alkalde kundi pati na ang kaso nito tungkol sa money laundering. Kinuwestiyon din ni Committee on Justice and Human Rights Chairperson Senator Risa Hontiveros ang pagkaka-appoint kay Border Control and Intelligence Unit (BCIU) Head Vincent Bryan Allas sa naturang pwesto. Ayon kay Hontiveros, existing pa pala ang kasong kriminal ni Allas tungkol sa pastillas scandal sa Sandiganbayan, at kung wala na raw bang pwedeng i-pwesto si Tansingco maliban sa kanya?
Ano na ang next move ni Kume matapos na maboldyak ang bata niya? Susundin pa rin ba niya ang silakbo ng kanyang damdamin o tuluyan nang ilagay sa vacation mode ang bata niya upang lumamig ang ulo ng senadora?
Kayo sa Team Bayaran, ano sa palagay n’yo? Time to say goodbye na ba para sa inyong bossing?
Ay inang!!
(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
121