(JOEL O. AMONGO)
INULIT ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panawagan para sa pagpasa ng panukala na lilikha ng isang body na mangangasiwa sa konserbasyon at mamahala ng 500-kilometer haba ng Sierra Madre.
Ang panawagan ni Nograles ay matapos makita ang lawak ng napinsala ng Sierra Madre dulot ng bagyong Enteng sa aerial inspection na ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“I hope that the President’s recent statement about Sierra Madre’s deforestation will serve as a nudge in the right direction for us in Congress to prioritize the creation of the Sierra Madre Development Authority (SMDA). This bill is a much-needed intervention as it seems that every typhoon that enters Luzon leaves us reeling and helpless,” ani Nograles.
Ang mambabatas ang may akda ng House Bill No. 1972, na kasalukuyang tinatalakay sa House Committee on Government Enterprises and Privatization.
Sinabi ni Nograles na ang SMDA bill ay para tumulong sa magkatulad na pagsisikap tungo sa pagpapagaan sa mga epekto ng climate change lalo sa pagpigil sa pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng mga bagyo.
“While the SMDA would address the restoration of Sierra Madre’s forest cover and responsible and sustainable development, we must also implement science-based long-term solutions such as a flood control masterplan, better solid waste management and land-use planning, among others,” pahayag pa ng mambabatas.
Binigyan-diin pa ng mambabatas ang agarang implementasyon ng mga solusyon sa problema ng pagbaha.
Binanggit din nito sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank na nahaharap sa matinding panganib ng mga baha at tagtuyot ang mga Pilipino.
Ayon sa pinakabagong ulat ng Key Indicators para sa Asya at Pasipiko ng ADB, 16.1 milyong Pilipino ang nakaranas ng medium-to-high risk ng water stress o nakaranas ng madalas na tagtuyot o matinding pagbaha.
Sa ulat, lumalabas na lahat ng pangunahing parte ng Pilipinas ay nahaharap sa medium-to-high risk ng water stress.
Nalantad ang buong Metro Manila sa panganib ng waters stress, kasunod ng bahagi ng Luzon (76 percent), Mindanao (75 percent) at ang Visayas (71 percent).
Lumabas din sa geographic mapping na halos two-thirds ng mahihirap na komunidad sa Pilipinas ang lantad sa medium-to-high risk ng water stress.
“It is the government’s duty to ensure that we protect our fellow Filipinos who are exposed to this danger. Hindi maaaring magpatuloy ang inseguridad at panganib na hinaharap nila kaya’t sa lalong madaling panahon, kailangan nating magpatupad ng mga epektibong solusyon,” banggit pa ni Nograles.
140