(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
MATINDING pagmamaktol ng mga netizen partikular ang mga commuter dahil nabigo ang Department of Transportation (DOTr) na pondohan ang rehabilitasyon ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 sa susunod na taon.
Ang nasabing proyekto ay para sa kapakinabangan ng may 435,000 Pilipino na sumasakay sa LRT araw-araw.
Mayorya ng mga komento sa social media ay may halong panunumbat sa mga mambabatas na kinalimutan na anilang unahin ang kapakanan ng pinagsisilbihan nilang mamamayan.
Sumbat pa nila, kapag para sa ikagiginhawa ng taumbayan ay walang mailaang pondo ang mga mambabatas gayung umaapaw ang kanilang confidential at intelligence funds.
Nabatid na humingi ang DOTr ng P19.65 billion budget para sa 2025 at P9.65 billion para sa rehabilitasyon ng LRT 1 at 2, gayunman, inalis ito sa isinumiteng National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso.
Basahin ang iba pang mga komento sa X:
Anathema:
Nilulusaw lahat ng pondo para sa early campaigning masquerading as “ayuda”
Dissenting Voice:
You only have one job, DOTr that’s to keep the trains rolling! The light rail systems in NCR are the most cost-effective and fastest way to travel from north to south. Talagang papatayin tayo sa heavy traffic dahil sa kabobohan ng gobyernong ito.
Akmed:
Yung budget ni Vice Pusit bigay nyo nalang dyan para may pakinabang naman.
nikko:
Crucial yang repair and rehabilitation ng mga trains ng LRT at MRT.
@HouseofRepsPH should give @DOTrPH the appropriate budget for it otherwise baka pag nasira yan, wala nang masakyan ang tao. Dapat may standby funds for it.
blueblackred:
ok goodluck yan na nga lang ang nagagamit ng public
kahit luma na linya, sure pa na magkaka aberya nextye3r at hindi tatakbo dahil wala budget
B O K E H:
Wala na yung PNR , 5 yrs pa ata bago maibalik, & not sure pa. PNR was d most cost effective, fastest & most relevant means of transport n d metropolis. Sana MRT & LRT di ma stop. At sana din matapos earlier un subway rail.
Buttercup:
Tiis tiis lang daw muna ang mga commuters. Habang ang mga ungas na palamunin ng bayan eh magkokotse lang, may driver pa at may free pass sa bus lane.
Ron:
Grabe wala talagang malasakit sa publiko ang mambabatas at administrasyong ito Sa amin galing ang pondong pinagpapasasaan ninyo!!
FR3:
Yung OVP budget give to LRT rehab!! Come on man!
Dear John:
Basta para sa convenience ng tao for sure yan walang budget
bosschief:
This is much more important than the Ofiice of the Vice President budget. Congress should focus on this.
Inosuke:
Kapag nasira eh di ipahila sa mga pabigat na 4ps at mahilig sa ayuda
Marisuiee:
Dapat isa ito sa paglaanan ng budget–paano na ang mga mananakay kung hindi maaayos at maiimprove yung serbisyo kasi walang budget?
Tender:
The priority is to give people cold cash because it’s election season.
A Man without a face:
Haaay ayan n nga lang nagagamit ng masa na pinaka convinient na mura, hindi pa ibigay sa mga deserving. Mga shiminet kayooo!