P1.1-M PEKENG YOSI NASABAT SA ILOILO

NASABAT ng mga awtoridad ang P1.1 milyong halaga ng pekeng sigarilyo at dinakip ang isang negosyante dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, sa Lalawigan ng Iloilo.

Sa bisa ng inisyung search warrant ng Regional Trial Court 6, Branch 39, ininspeksyon ng mga ahente sa pangunguna ng intelligence unit ng Iloilo City Police Office, ang bahay ng isang 57-anyos na mangangalakal sa Sitio Kawayanan, Barangay Tabuc Suba, La Paz.

Dito nadiskubre ang iba’t ibang volume ng Mighty Green, Camel, Marvel green at red, at Winston red cigarettes.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Iloilo City Police Station 2, habang ang narekober na mga sigarilyo ay nasa exhibit custodian ng City Intelligence Unit.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 155 (infringement), 168 (unfair competition) in relation to 169 (false designation of origin, false description or representation), at 170 (cancellation of design registration) ng RA 8293. (JESSE KABEL RUIZ)

115

Related posts

Leave a Comment