KABATAAN HINIMOK NA KUMUHA NG KURSONG MEDISINA

KASABAY ng kanyang pagbati sa 3,845 na mga bagong doktor ng bayan na pumasa sa October 2024 Physician Licensure Examination, hinikayat ni Senador Joel Villanueva ang kabataan na kumuha ng kursong medisina.

Sinabi ni Villanueva na libre na ang pag-aaral ng medisina sa mga public Schools of Medisina dahil sa Doktor Para sa Bayan Act na kanyang iniakda at inisponsoran sa Senado.

Sa kasalukuyan, may 23 mga SUCs na matatagpuan sa 15 rehiyon sa bansa ang mayroon nang school of medicine at anim na iba pang SUCs ang inaasahang makakapag-alok ng medical scholarship and return service program sa susunod na taon.

Isa naman sa mga nakapasa sa pagsusulit ang anak nina Senador Ramon Bong Revilla Jr at Congresswoman Lani Mercado-Revilla na si Loudette Bautista.

Ayon kay Sen. Revilla, ang panibagong tagumpay ng kanyang anak na si Dr. Loudette ay dagdag sa kanyang ipinagpapasalamat at ipinagmamalaki dahil natupad ang kanyang pangarap.

Si Dra. Loudette ay nagtapos ng pre-med sa Ateneo de Manila University at ng medisina sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC).

Noong isang taon naman pumasa sa bar exams ang isa pang anak ng senador na si Atty. Inah Bautista Del Rosario. (DANG SAMSON-GARCIA)

101

Related posts

Leave a Comment