Pabibo wala namang alam sa batas? BOYING BUTATA KAY VP INDAY

SINOPLA ni Vice President Sara Duterte si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang sabihin nito na “very disturbing” ang kanyang pahayag hinggil sa mga labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ani Duterte, walang alam sa batas si Remulla.

Kaugnay ito ng ibinahagi ni VP Sara sa kanyang presscon noong isang linggo na binalaan niya si Sen. Imee Marcos na personal niyang huhukayin ang mga labi ng ama nitong si dating Pang.

Marcos at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kung ipagpapatuloy ang political attacks laban sa kanya.

Tugon dito ni Remulla, ang mga naging pahayag ng Bise Presidente ay isang paglapastangan sa alaala ng dating pangulo, na matagal nang namayapa.

“Ipagdasal natin ang Pilipinas dahil we have a Secretary of Justice na hindi alam ang batas. There is a big difference between talking about desecration of a body and actually desecrating a body.

Talking about desecration of a body is not desecration of the dead,” ang sinabi ni VP Sara.

“Dapat sana siguro as a lawyer, maintindihan niya ‘yun kaagad but apparently, sabi nga ng iba, kapag mabilis ka, meron talagang mabagal ang pick up,” aniya pa rin.

Matatandaang ang ama ni VP Sara na si dating pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahintulot na mailibing ang mga labi ni Marcos Sr. sa Libingan ng Mga Bayani noong 2016. (CHRISTIAN DALE)

13

Related posts

Leave a Comment