75 DAYUHAN TIMBOG SA POGO SA MALATE

SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Anti -Cybercrime Group ang isang hotel sa Malate, Manila at inaresto ang 75 dayuhan sa pagkakasangkot sa POGO.

Ayon sa mga awtoridad, walang kaukulang permiso para patuloy na mag-operate ang POGO sa Adriatico Street, Manila.

Nabatid sa pulisya na ang gusali ay inuukopahan ng foreign nationals na working without proper permits.

Nakasamsam ang mga awtoridad ng mobile phones, desktop computers, laptops, SIM cards, Digital Video Recorder (DVR), at face attendance machine.

Ang mga dayuhan na mula sa iba’t ibang bansa ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) para sa kani-kanilang pagkakakilanlan.

Tiniyak ni NCRPO Regional Director, Police Major General Sidney Hernia na patuloy ang pagmamanman sa illegal activities na walang puwang sa kanyang nasasakupan.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng kampanya ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na “Bagong Pilipinas”, ang gusto ng Pulis, Ligtas Ka.” ( RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment