45 opisyal sa E. Visayas pumalag VP SARA BINATIKOS SA WALANG INGAT, MAPANGHATING AKSYON

NAGSAMA-SAMA ang 45 matataas na opisyal ng Eastern Visayas sa pagkondena kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng walang ingat at mapaghating aksyon nito laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” J. Espina Jr., at Samar Reps. Reynolds Michael Tan at Stephen James Tan, ang kabuuang 45 opisyal sa paglalabas ng Joint Manifesto of Indignation kung saan kanilang sinabi na ang mga aksyon ni Duterte ay insulto sa mga Waray at kanilang mga lider.

Ang pahayag, na nilagdaan ng mga opisyal ng probinsya, lungsod, at munisipyo sa Eastern Visayas, ay nagsimula sa pagtuligsa.

“We, the undersigned local government leaders of Eastern Visayas, express our profound indignation at the malicious, baseless and reckless accusations made by Vice President Sara Duterte against Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.”

Binatikos ni Duterte si Speaker Romualdez, kilalang lider ng mga Waray at pinsan ni Pangulong Marcos, kaugnay ng imbestigasyon ng Kamara sa umano’y maling paggastos sa P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Ayon sa manifesto, ang hindi makatwirang pag-atake ay isang paghamak hindi lamang sa mga lider kundi maging sa dangal at dignidad ng mga Waray— na ang ugali ng pagiging matatag, nagsusumikap, at may karangalan ay ipinakikita ni Speaker Romualdez.

Kinilala rin ng mga lider si Speaker Romualdez na mayroong mahabang kasaysayan ng pagseserbisyo sa publiko at nakapaghatid ng kaginhawahan sa buhay ng mga Pilipino at ng pag-unlad sa bulnerableng sektor.

Kinondena rin ng mga lider si Duterte sa kawalang respeto nito hindi lamang kay Speaker Romualdez kundi maging kay Pangulong Marcos, na mayroon ding dugong Waray.

“Vice President Duterte’s unfounded allegations also insult the Romualdez legacy, which extends to President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., who shares Waray blood through his mother, former First Lady Imelda Romualdez Marcos,” sabi sa pahayag.

“Her reckless tirades strike at the very heart of a region that has overcome countless challenges through hard work, solidarity and trust in capable leadership,” sabi pa rito.

Kinilala rin ng mga lider ang mga nagawa nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos na nakapagdala ng makahulugang pagbabago sa bansa.

Ang mga naging aksyon umano ni Duterte ay lumagpas sa personal na pag-atake.

“Her irresponsible statements not only destabilize the unity of the administration but also erode the trust of the Filipino people at a time when cooperation and stability are paramount,” saad sa manifesto.

Dumipensa ang lahat ng pitong alkalde sa unang distrito ng Leyte para kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at tahasang tinuligsa ang walang basehan at malisyosong akusasyon ni Vice President Sara Duterte. Sa isang manifesto, inilahad ng mga alkalde ng Palo, Alangalang, San Miguel, Tanauan, Sta. Fe, Tolosa, at Babatngon na ang mga paratang ni Duterte ay hindi lamang pag-atake kay Speaker Romualdez kundi sa buong unang distrito ng Leyte.

“We, the undersigned mayors of the First District of Leyte, stand in staunch defense of Leyte First District Representative and Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, a leader whose integrity and dedication to public service have been consistently proven throughout his exemplary political career,” saad ng manifesto.

“Representing the First District of Leyte, Speaker Romualdez has served his constituents with honor and distinction, unblemished by allegations of corruption or violence, and always placing the welfare of the people above personal interest,” sabi pa rito.

Lumagda sa manifesto sina Palo Mayor Remedios Petilla, pangulo ng Leyte Chapter of the League of Municipalities of the Philippines, Mayors Lovell Anne Yu-Castro ng Alangalang, Norman Sabdao ng San Miguel, Gina Merilo ng Tanauan, Amparo Monteza ng Sta. Fe, Erwin Ocana ng Tolosa, at Eleonor Lugnasin ng Babatngon.

“These accusations are a direct insult to the very citizens whose trust and mandate he has honorably upheld,” sabi pa sa manifesto.

Binigyang diin sa manifesto ang mga napagtagumpayan ni Romualdez kasama na ang kanyang liderato sa pagpapasa ng mahahalagang lehislasyon at epektibong paglalaan ng resources para sa kanyang mga nasasakupan at para sa bayan.

“Speaker Romualdez’s record speaks louder than these reckless accusations. Under his leadership, critical legislation has been passed, resources have been effectively mobilized, and the welfare of Filipinos has been prioritized,” sabi ng mga alkalde.

Pinuri rin nila ang Speaker sa kanyang pagsusulong sa paglilingkod sa bayan, at kinilala ang kanyang trabaho na kilala sa “diligence, transparency, and unwavering dedication to the greater good of the nation.”

Binatikos din ng mga alkalde ang mga pahayag ni Vice President Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na anila’y nakakalala lang sa sitwasyon at banta sa pagkakaisa at katatagan ng bansa.

“We likewise categorically reject the statements made against President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. These inflammatory remarks and divisive rhetoric not only undermine the unity we are striving to achieve as a nation but also betray the constitutional duty and trust bestowed upon all public officials,” giit nila.

Babala pa ng mga alkalde, “such conduct is unbecoming of an elected leader and is detrimental to the stability and progress of our country.”

Pinayuhan din ng mga alkalde si Vice President Duterte na iwaksi ang pagkakawatak-watak at tuparin na lang ang kanyang atas na isulong ang pagkakaisa at pananagutan.

“To Vice President Sara Z. Duterte, we remind you of your sworn duty to uphold unity and serve with accountability. We urge you to abandon this path of division and hostility, for it is a betrayal of the trust the Filipino people have placed in you,” saad sa pahayag nila.

Mula sa Biliran, ang mga lumagda ay sina Board Member Roselyn Espina Parabos at Mayors Rhodessa Revita (Caibiran), Humphrey Olimba (Culaba), Gemma Adobo (Cabucgayan), Myra Cabrales (Biliran), at Richard Jaguros (Almeria). Gayundin sina Calubian Mayor Marciano Battancela, Jr. at Villaba Mayor Lito Veloso na mula naman sa Leyte.

Para naman sa Northern Samar lumagda sina Mayors Maria Ana Abalon (San Roque), Leo Jarito (Silvino Lobos), Felipe Sosing (Pambujan), Florence Batula (Palapag), Maria Luisa Menzon, (Lapinig), at Raquel Capoquian (Gamay).

59

Related posts

Leave a Comment