Kasunod ng pahayag ni FPRRD SETTING NG AFP SOCIAL MEDIA ACCOUNT BINAGO

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pansamantala muna nilang ini-disabled ang ilang features ng kanilang social media account.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Colonel Xerxes Trinidad, ito ay dahil sa kanilang na-monitor na suspicious activities mula sa umano’y trolls accounts.

Dahilan upang isara ng AFP ang comment section ng kanilang Facebook page makaraang bahain ito ng mga komento at kahina-hinalang mga aktibidad.

Ayon kay Col. Trinidad, pansamantala nilang ini-disabled ang ilang features ng kanilang official FB dahil sa kahina-hinalang mga komento.

Aniya, bukas naman sila sa trend ngayon na maraming troll armies na nakaiimpluwensya ng isipan ng publiko kaya naman isinara na muna nila ang comment section upang hindi sila magamit.

“Troll farms are a menace to society and we choose not to empower inauthentic actors in their coordinated attempt to spread disinformation and misinformation,” ayon kay Trinidad.

Bago isinara ang FB comment section ng AFP, dagsa ang komento na
“Protect the People” at “Protect the Constitution”, ilang araw bago magpahayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ta­nging AFP lang ang maaaring umayos sa “fractured government”.

Nilinaw ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na apolitical ang kanilang organisas­yon at hindi sasawsaw sa anomang usa­ping politika.

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila hahayaang sirain ng trolls ang komunidad sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa publiko.

Kaugnay nito, hu­mingi ng paumanhin sa publiko ang AFP lalo na sa netizen kung hindi makapagko-comment ngayon sa kanilang mga anunsyo.

Ginagamit ng AFP ang FB para sa kanilang aktibidad, programa at mga pahayag na nais ipa­alam sa publiko. (JESSE KABEL RUIZ)

31

Related posts

Leave a Comment