MAYOR PASCUAL PINANGUNAHAN GROUNDBREAKING NG NE HOUSING PROJECT

PINANGUNAHAN ni Llanera Mayor Ronnie “Roy” Pascual ang iba pang opisyales ng Nueva Ecija sa groundbreaking ceremony para sa pagpapagawa ng mahigit 30,000 housing units sa Nueva Ecija, na nasa ilalim ng flagship program ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., “The Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program”.

Layon ng administrasyong Marcos na magpatayo ng anim na milyong housing units na lilikha ng 1.7 milyon na trabaho kada taon mula 2023 hanggang 2028 at ang paggawa ng libo-libong housing units sa Llanera, Nueva Ecija ay parte ng proyekto ng gobyerno na magbigay ng disenteng tahanan para sa milyon-milyong Pilipino.

Dinaluhan nina Mayor Pascual, kasama si Congw. Virginia Rodriguez, Congw. Mikaela Violago at Brgy. Capt. Grace Dinio ang ceremonial groundbreaking ng proyektong pabahay na gagawin para sa libo-libong benepisyaryo na magmumula sa Munisipyo ng Llanera, Nueva Ecija.

Ang iba pang mga opisyales na dumalo sa seremonya ay mga kinatawan mula sa Department of Education, Senior Citizens, LGU Family at daan-daan pang mga sumusuporta sa Pascual Moves.

Dahil sa pakikipagtulungan sa Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, ang ahensya ay naglabas ng P200 milyon na developmental loans para sa proyektong pabahay sa ilalim ng President Ferdinand R. Marcos Jr.’s flagship Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.

Ayon sa 4PH-Project Management Office (PMO) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang loans ay ibinigay sa dalawang pribadong kontraktor para masagawa ang mga proyekto ng 4PH sa Luzon at sa Visayas. Higit sa 30 Pambansang Pabahay projects na kasalukuyan ay ginagawa sa buong bansa ay nasa iba’t ibang yugto na ng pagpapagawa.

Ang mga programang pabahay sa Nueva Ecija ay inisyatibo ni Mayor Pascual para magkaroon ng disente at murang pabahay sa Llanera at mga kalapit na bayan. Nakikipagtulungan din siya sa National Housing Authority (NHA) para patuloy na sikapin matapos ang iba pang mga programang pabahay sa probinsya ng Nueva Ecija.

Sinabi ni A TEACHER Party-list nominee Rodriguez na ang low cost housing project ng gobyerno ay makatutulong sa lahat ng Pilipino katulad ng mga magsasaka sa malalayong lugar.

49

Related posts

Leave a Comment