PCC IIMBESTIGAHAN ANG ‘DOUBLE FRANCHISING’ NG GRAB

IIMBESTIGAHAN ng Philippine Competition Commission (PCC) ang umano’y double franchising ng Grab Philippines sa motorcycle ride-hailing industry. Lumutang ang isyu ng double franchising sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services nang mapag-usapan ang pagbili ng Grab sa Move It at operasyon ng Grab Bike service. Iginiit ng isang motorcycle organization na dapat mag-operate ang Grab Bike at Move It bilang isang kumpanya dahil isa lang naman ang kanilang may-ari. Nangako naman ang kinatawan ng PCC na ilalabas ang resulta ng imbestigasyon bago mag-adjourn ang Senado sa Dec. 21 para…

Read More

HIGIT P4-B CONFI, INTEL FUNDS NAUBOS NI MARCOS NOONG 2023

(CHRISTIAN DALE) TOP spender ang Office of the President (OP) pagdating sa confidential and intelligence funds nito noong 2023. Sa katunayan, gumugol ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P4.57 billion na confidential at intelligence expenses noong 2023, ayon sa Commission on Audit (COA) Annual Financial Report. Ang CIE expenses noong nakaraang taon ay bahagyang mas mataas kaysa sa P4.51 billion noong 2022. Sa kabuuan, P2.2 billion ay para sa confidential expenses, P2.3 billion ay para naman sa intelligence expenses at P10,052,747.65 para naman sa extraordinary at miscellaneous expenses.…

Read More

FINANCIERS NG RICE IMPORTERS HUHUBARAN NG MASKARA

NANINIWALA ang ilang mambabatas na may mas malalaking tao na nasa likod ng mga rice importer na nagpi-finance sa mga ito upang makapag-angkat sila ng mas maraming bigas na pinagkakakitaan nila nang husto. Ayon kay Agap party-list Rep. Nicanor Briones, isa sa mga aalamin ng mga ito sa kanilang imbestigasyon kung sino ang financiers dahil may mga importer na P1 milyon lamang ang puhunan o kapital subalit nakapag-angkat ng bigas na nagkakahalaga ng P1 bilyon hanggang P5 bilyon. “Mukhang ang nangyayari, maraming pinag-aapply ng import permit at pag naaprubahan may…

Read More

EKONOMIYA ‘DI APEKTADO SA PAGSASARA NG POGO

WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see a significant dent sa economy natin.” “I think ma-make up naman ‘yan sa mga iba pang mga revenue enhancing measures ng Department of Finance,” dagdag na wika nito. Nauna rito, sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR),…

Read More

POSTPONEMENT NG BARMM ELECTION OK KAY SEC. GALVEZ

PABOR si Secretary Carlito Galvez ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), sa panukalang ipagpaliban ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na nakatakdang isabay sa May 2025 midterm polls. Kung higit umanong makabubuti ito para sa nakararami lalo na sa mga nasasaklaw ng Bangsamoro Autonomous Region base sa ginagawang pag-aaral. Sa ginanap na pulong balitaan sa Kapihan sa Manila Bay, inihayag ni Peace Adviser Sec. Carlito Galvez, umaasa siya na mare-reset ito sa madaling panahon kasabay ng kagustuhang maibalik ang Sulu…

Read More

LALAKI BINISTAY NG BALA

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isang lalaking natagpuang walang buhay habang nakahandusay sa kalsada at tadtad ng mga tama ng bala sa ulo sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Martes ng umaga. Inilarawan ang biktimang nakasuot ng orange long sleeve na may naka-print na “RN Frried Alamang”, naka-jogger pants, puting tsinelas, at pink cap, at tinatayang nasa 20-30 anyos ang edad. Ayon sa nakakita sa biktima, dumaraan siya bandang alas-5:00 ng umaga sa Advincula Ave., Brgy, Batong-Dalig, Kawit, Cavite nang matagpuan niyang nakahandusay sa kalsada…

Read More

NAWAWALANG CARETAKER NATAGPUANG BANGKAY

CAVITE – Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaking caretaker na tatlong araw nang nawawala sa bayan ng Gen. Emilio Aguinaldo sa lalawigan noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Joel”, caretaker ng isang Allan Togu. Ayon sa chairman ng Barangay Lumipa, GMA, Cavite na si Jovy Gloriani, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-3:45 ng hapon sa Brgy. Lumipa, Gen. Trias City, Cavite, at ini-report nila sa pulisya. Nabatid sa imbestigasyon, iniulat na nawawala aang biktima simula pa noong Disyembre 7. Hindi naman binanggit sa ulat kung…

Read More

6.3K MAGSASAKA SA CAGAYAN, NA-RELIEVE SA P392-M UTANG

INIHAYAG ng Department of Agrarian Reform (DAR) na may kabuuang 6,300 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Cagayan, ang na-relieve sa utang na nagkakahalaga ng P392,675,939. Nabatid sa isang pahayag noong Martes, na 6,803 Certificate of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM) na sumasaklaw sa 6,303 ektarya ng lupa, ang ipinamahagi sa municipal gymnasium ng Solana noong Disyembre 9. Pinangunahan ni Senador Imee Marcos, kasama si Agrarian Reform Regional Director Primo Lara, ang pamamahagi. “Wala na kayong kailangang bayaran sa lupang ipinagkaloob sa inyo ng pamahalaan. Bukod dito,…

Read More

AKAP NIYAKAP SA BICAM

MISTULANG niyakap na rin ng mga senador ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos pumayag ang mga ito na ituloy ang nasabing programa sa susunod na taon. Sa ambush interview kay House Speaker Martin Romualdez sa Bicameral Conference Committee meeting sa Manila Hotel, kinumpirma nito na mananatili sa 2025 national budget ang P26 billion pondo ng AKAP na unang tinanggal ng Senado sa kanilang bersyon sa pambansang pondo. “Nagpapasalamat tayo sa kapwa nating mga congressmen at sa Senate na sinuportahan nila ‘yung AKAP.…

Read More