DATING ANGADANAN ISABELA MAYOR GINIGIPIT DAHIL SA EXPOSE

NANAWAGAN si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel “Noli” Siquian kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na bigyang pansin ang lumalalang problema umano sa korupsyon, droga at kriminalidad sa lalawigan ng Isabela sa kasalukuyang mga namumuno rito.

Ilan sa tinukoy ng dating alkalde ang maanomalyang bilyones umano na road projects na nagsimula sa Ilagan City hanggang sa munisipalidad ng Divilacan, Isabela at ilan pang bayan nito, na gamit ang inutang na pondo sa Development Bank mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, ang mga inosenteng mamamayan at mga hindi pa işinisilang ay mayroon nang utang hanggang sa kanilang pagtanda dahil sa talamak na katiwalian ng mga nakaupo sa local government na nagpapasasa sa kanilang kapangyarihan.

Tinatayang umaabot umano sa 82 kilometro na maanomalyang road projects sa iba’t ibang bahagi ng Isabela, ang dapat silipin ng national government upang mawakasan ang ilang dekada nang pamamalagi rito ng ilang corrupt public officials.

Ayon kay Siquian, dapat tingnan ng pamahalaan ang ilang properties ni Governor Faustino Dy Jr. at ng kanyang pamilya, kabilang dito ang Honeymoon Island at Stagno Island na posibleng pinamumugaran diumano ng mga Chinese POGO na sangkot sa illegal gambling. Sa kabila ng pagbubulgar ng katiwalian na nangyayari sa Isabela, maging sa Senado at Kongreso, ay tinulugan lamang ang panawagan ni Siquian na magkaroon ng imbestigasyon.

Imbes na protektahan ng pamahalaan ay nangyari sa dating alkalde ang panggigipit kay Vice President Sara Duterte na tinanggalan ng security, at sa muling pagpasok ni Siquian sa pulitika ay pilit umano itong pinadi-disqualify sa Comelec sa kanyang pagtakbo bilang gobernador ng Isabela. (RUDY SIM)

79

Related posts

Leave a Comment