GRIJALDO PINAKULONG SA POLICE STATION

MULA sa de-aircon na detention cell sa Batasan Pambansa, inilipat sa kulungan ng Quezon City Police District Station 6 sa Batasan, Quezon City si Police Col. Hector Grijaldo matapos muling ma-contempt dahil sa kawalang galang umano nito sa Quad Committee.

Sa mosyong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, inaprubahan ang panibagong contempt order laban kay Grijaldo na sinegundahan ng mosyon ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na ikulong sa Batasan Police Station ang opisyal.

Hindi napigilan ni Acop ang kanyang sarili na ipacontempt muli si Grijaldo matapos ang paulit-ulit paggamit ng opisyal sa kanyang “right against self-incrimination” upang iwasang sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas kaugnay ng kanyang pahayag sa Senado.

Sa kanyang affidavit sa Senado, inakusahan ni Grijaldo sina Quad Comm Co-Chairs Reps. Dan Fernandez at Bienvenido Abante Jr., na pinilit siya na kumpirmahin ang reward system ng war on drugs campaign ng Duterte administration.

Nakasaad pa umano sa affidavit ni Grijaldo na inabutan siya ni Fernandez ng supplemental affidavit na nagsabing sinasang-ayunan nito ang mga pahayag ni retired Police Colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina kaya tinanong niya ng mga mambabatas ukol dito subalit tumangging magsalita ang opisyal gamit ang “right against self-incrimination” na ikinapikon ni Acop dahil walang kasong pinag-uusapan dito.

Hindi rin napilitan ni Quad Comm lead-chair Rep. Robert Ace Barbers na sitahin si Grijaldo dahil tila hindi nirerespeto ng opisyal at pinagpahina nito ang integridad ng komite na nag-iimbestiga sa war on drugs, extrajudicial killings at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

“Noong nasa Senado ka ang tapang-tapang mo eh. Bakit dito ayaw mo? Magtapang ka rito. Ipakita mo ‘yung the same candor, the same tapang na pinakita mo doon. Tawagin mo yung mga kakampi mo,” ani Barbers.

Hindi na nagbanggit ang mambabatas kung sino ang tinutukoy nito na kakampi ni Grijaldo sa Senado kaya naging matapang ito nang humarap siya sa hiwalay na pagdinig ng mataas ng Kapulungan sa war on drugs.

“Nag-imbento ka ng kuwento and then you speak about honor? Alam mo ba bakit may honor? ‘Pag hindi ka sinungaling, may honor ka. As simple as that. You’re a police officer, and you should have that honor,” dagdag pa ng kongresista. (BERNARD TAGUINOD)

54

Related posts

Leave a Comment