ATTY. RODRIGUEZ ‘AMPON’ NG PDP, PPM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

PINASALAMATAN ni senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez si dating pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng Partido Pederal ng Maharlika o PPM sa suporta sa kanyang kandidatura sa halalan sa Mayo.

Sa kanyang Facebook page, ikinalugod ng former executive secretary ang pag-endorso ng mga nabanggit at kasama ng kanyang ipinaskil na mensahe na may pamagat na “AKO AY AMPON” ang kanilang larawan.

“Maraming salamat Pangulong Rodrigo Roa-Duterte, PDP, Sec. Guiling Mamondion, Sec. Bebot Bello at sa Partido Pederal ng Maharlika (PPM) sa inyong MAISUG na kumpiyansa, tiwala’t pag-ampon!”

Inanunsyo ng PPM na ilang senatorial candidates mula Alyansa para sa Bagong Pilipinas at PDP Laban ay kanilang susuportahan. Nangunguna sa kanilang listahan si Rodriguez (PDP-Laban).

Bukod kay Rodriguez, kanila ring ineendorso sina: Sen. Christopher ”Bong” Go (PDP-Laban), SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta (PDP-Laban), Jayvee Hinlo (PDP-Laban), Senator Ronald ”Bato” dela Rosa (PDP-Laban), Philip Salvador (PDP-Laban), Senator Imee Marcos (Alyansa), former Senator Vicente “Tito” Sotto III (Alyansa), former Senator Panfilo Lacson (Alyansa), Sen. Francis Tolentino (Alyansa), Joey Montemayor (Independent) at former Senator Gringo Honasan (Independent).

Ayon kay dating Labor Secretary at PPM national president Silvestre Bello III, sinala nila ang 12 senador batay sa kanilang kwalipikasyon.

“Ang pagpili namin sa mga kandidato na iboboto namin ay based on their qualifications… Ano ang track record nila? Hindi dahil sila ay pinili, o sila ay sa kabilang partido. Sila ay pinili namin iboto dahil sa kanilang magandang track record as public servant,” ani Bello sa media.

29

Related posts

Leave a Comment