TINATAYANG P48 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa limang hinihinalang big time drug dealers.
Ayon sa PDEA, nasa pitong kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa ipinatupad na buy-bust operation laban sa hinihinalang high value drug personalities sa Barangay Tikay, Malolos, Bulacan.
Isinilid ang mga kontrabando sa pitong foil packs na may Chinese characters.
Nakumpiska rin ang non-drug evidence kabilang ang mga cellphone, buy-bust money at ID ng mga suspek.
Mahaharap ang limang naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL RUIZ)
