SERBISYO NG DSWD LABAN SA KAHIRAPAN PINURI NI PBBM

PINAPURIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng “outstanding” at “authentic” na serbisyo publiko upang maibigay ang iba’t ibang tulong sa mga nangangailangang Pinoy.

Sa kanyang pananalita sa 74th anniversary ng DSWD sa SMX, kinilala ni Marcos ang kahalagahan ng ahensya sa pagbibigay suporta sa mga Pinoy lalo na ang mga nasa vulnerable communities.

“Today, we acknowledge and take pride in the steadfastness and dependability of this institution. For more than 70 years, the DSWD has consistently pursued its mission to enhance the lives of all Filipinos, particularly those who are in distress, facing danger, or experiencing disadvantage,” ayon sa Pangulo.

Malaki aniya ang naging papel ng DSWD para maibsan ang kahirapan at malabanan ang kagutuman. Sinabi ng Pangulo na saksi siya sa sakripisyo ng mga staff ng DSWD.

“I am aware of these achievements because I have observed your commitment, working extended hours and making numerous sacrifices, even putting your safety at risk to provide essential services to our citizens, particularly those who are vulnerable and disadvantaged,” dagdag pa ng Pangulo.

Binanggit din ni Pangulong Marcos ang tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na nakatulong nang malaki sa kalusugan at edukasyon ng maraming pamilyang Pilipino.

Ayon sa Pangulo, ang mga tulong mula sa DSWD ay nagsisilbing “lifeline” sa milyun-milyong Pinoy. Kasabay nito ay hinimok niya ang ahensya na patuloy pang pagbutihin ang social protection initiatives ng pamahalaan gaya ng 4Ps, unconditional cash transfer program, at social pension program.

“You have not only offered assistance but have also instilled hope in families overcoming difficulties, communities affected by disasters, and individuals who require reassurance that the government stands with them,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Pinatitiyak din niya na hindi lamang sa DSWD kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno gawing accessible at available para sa lahat ng mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan.

28

Related posts

Leave a Comment