PUBLIKO BINALAAN SA MGA SAKIT DALA NG MATINDING INIT

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino laban sa health conditions na dala ng mainit na panahon at mataas na heat index.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang na ang heat-related illnesses gaya ng dehydration, heat cramps, heat exhaustion at heat stroke ay maaaring makaapekto sa sinoman, may ilan aniya sa populasyon ang mas madaling kapitan ng heat-related illnesses.

Kabilang naman aniya sa mga sintomas ay pagkahilo, lagnat, pamamanhid, panghihina, mainit at mapula-pula ang balat.

“Prone ang matatanda, ‘yung mga bata at may mga illnesses. So, make sure that these people do not stay in [a] hot environment,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng United States Centers for Disease Control and Prevention, ang katawan ng matatanda ay ‘less efficient at regulating temperature’ kung saan kabilang dito ang pagpapawis at pagdaloy ng dugo sa balat.

Idagdag pa rito, ang kanilang mga katawan ay tumatagal ng mas maraming oras upang mag-adjust sa mga biglaang pagbabago sa temperatura.

Sa kabilang dako, ang mga bata na may mas mataas na metabolism, nagpo-produce ng mas init at mabilis mawala ang init dahilan para mas maging prone sila sa dehydration.

Ang mga sakit na diabetes, heart disease, at obesity ay makakaapekto sa kakayahan ng isang tao na i-regulate ang body temperature o tumugon sa init.

Bukod dito, may ilang gamot ang maaaring humalo sa body temperature regulation at sweat production.

Habang ang heat-related illnesses ay maaaring mauwi sa isang emergency, sinabi ni Herbosa na ang mayorya ng mga pasyente na madaling maka-recover ay maagap at umiinom ng tamang paggamot.

Samantala, pinapayuhan naman ang publiko na manatili sa loob ng bahay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, uminom ng maraming tubig, magsuot ng light clothing, at gumamit ng sunscreen, mga sumbrero, payong at pamaypay upang maiwasan ang heat-related illnesses.

(CHRISTIAN DALE)

19

Related posts

Leave a Comment