(NI HARVEY PEREZ)
IGINIIT nitong Linggo ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na mas makabubuti umano kung ibabalik na lamang sa manual counting ang magaganap na eleksiyon sa 2022.
Ayon kayNamfrel national chairperson Augusto Lagman,ito ay para hindi na muling maulit ang katulad na problema na nagresulta sa pagkaantala ng halalan noong Mayo 13.
“‘Yung pagbibilang sa presinto alam mo, one day lang ‘yan e. One day lang! Malaking bagay kasi nakikita ng mga tao,” ayon kay Lagman.
Sinabi ni Lagman na mas importante ang transparency kesa sa automated elections na ang layunin lang naman ay mapabilis ang bilangan.
Sinabi ng Namfrel na ang pitong oras na election data outage sa Commission on Elections transparency server ay isang malaking katanungan.
“As far as I can remember yun ang pinakamahabang outage na nangyari sa aming trabaho sa Namfrel. So anong nangyari doon? ‘Yun ang isang malaking tanong,” dagdag pa ni Lagman.
Isa pang katanungan umano ay ang nangyari noong Mayo 14 kung saan ang set back ay nanggaling sa Java platform error.
210