MANUAL RECOUNT HILING NG TALUNAN SA GUBERNATORIAL RACE

HINILING ni outgoing Marinduque lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual recount ng boto sa kanyang probinsya matapos matalo ng 400 boto sa gubernatorial race.

Sinabi ni Velasco sa isang pahayag, naghain siya ng pormal na apela sa Comelec upang magsagawa ng manual recount ng mga boto, hindi lamang para sa kapakinabangan ng taga probinsya ng Marinduque kundi kundi para rin sa mas malawak na layunin na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Si Velasco, na nakatanggap ng 65,726 boto ayon sa resulta ng canvassed ng Comelec, ay natalo laban kay Governor-elect Mel Go, na nakakuha ng 66,115 na boto.

Sinabi ng talunang dating kongresista, dating nagsilbing House speaker, habang nagpapatuloy ang random manual audit, hindi niya mapagkakatiwalaan ang katumpakan nito.

Ayon kay Velasco, dapat magpakita ng 100% accuracy o isang mataas na antas ng katiyakan na karapat-dapat sa tiwala ng mamamayan.

(JOCELYN DOMENDEN)

64

Related posts

Leave a Comment