(NI BETH JULIAN)
PINALITAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Reynaldo Velasco.
Huwebes ng gabi nang i-anunsyo ito ng Pangulo sa isinagawang thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City.
Sa talumpati ng Pangulo, inihayag nito na si Retired Army General Ricardo Morales, tubong Davao, na ang mamumuno sa MWSS.
Ang pagsibak ng Pangulo kay Velasco at pagkakatalaga naman nito kay Morales ay matapos ang naganap na krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal nitong nakalipas na Marso na naging dahilan kung bakit nagalit nang todo ang Pangulo.
Sa panayam naman kay Morales, sinabi nito na hinihintay na lamang niya ang kanyang appointment papers para magsimulang manungkulan.
Nagpasalamat si Morales sa pagbibigay ng oportunidad at tiwala ng Pangulo sa kanyang kakayanan sa trabaho.
Siniguro nito na handa siyang tugunan at gampanan nang maayos ang bagong tungkulin na iniatang sa kanya ng Pangulo.
316