Para sa 12 round bout kay Baste Duterte GEN. TORRE NAG-UMPISA NA SA SPARRING SESSION

AGAD nang pinasimulan ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Nicolas Torre III ang kanyang boxing training kaugnay sa posibleng 12 rounds bouts nila ni Davao City Mayor Sebastian
“Baste” Duterte.

Nitong Huwebes, nagsagawa ng ilang minutong sparring session at sandbag strength developing exercise si Gen. Torre bilang paghahanda matapos niyang kasahan ang hamon ni Duterte na suntukan sa pamamagitan ng isang charity boxing match sa Rizal Coliseum.

Pahayag ng heneral, seryoso niyang tinanggap ang hamon para na rin sa potensyal na fundraising event na ito upang makatulong sa ibang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at landslides bunsod ng nararanasang mga pag-ulan.

Bagama’t may ilang nagbibigay ng kanilang mga tulong para makahanap ng venue, kinumpirma ng hepe na naka-set na ang Rizal Coliseum bilang venue ng kanilang boxing match ni Mayor Baste sa darating na Linggo.

Sa kasalukuyan naman ay wala pang pormal na sagot si Mayor Baste kung tutuloy siya sa laban kontra kay Torre ngunit sa kabila nito ay nanindigan ang hepe na kahit hindi sumipot ang alkalde ay may mga nauna nang magpaabot ng tulong para sa donasyon na ipinamamahagi sa mga lubhang naapektuhan ng bagyo at habagat.

Samatala, ikinatuwa naman ng hepe ang interes ng publiko sa posibleng boxing match nila ng alkalde.

Aniya, hindi ito isang pagpatol ngunit isang oportunidad na maaaring magamit upang makalikom ng sapat na pondo na siya namang magagamit para makatulong sa mga mamamayang nasalanta ng bagyo.

“We are ready anytime.” Ayon sa 54-anyos na heneral, naglalaro siya ng ilang sports noong siya ay kadete pa lamang. At paminsan-minsan ay nagsasanay siya para balikan ang dating skills. “We refreshed ourselves a bit on what we used to.”

Inaabangan din sa Kamara

Hindi lang ang mga miron ang nag-aabang at interesado sa boxing match nina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicanor Torre at Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte kundi maging ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na maging siya ay nakuha ang atensyon ng pagtanggap ni Torre sa hamon ni Duterte na magsuntukan na sila kung saan nais ng heneral na gawing charity fight ito para ang kikitain ay ibigay sa mga nasalanta ng bagyo.

“Well, unang-una, nagulat ako no. Nagulat at natawa ako dun sa sagot ni PNP Chief Gen. Torre,” ani Garin subalit hindi umano nito masisi si Torre sa pagtanggap nito sa hamon ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Itinakda ni Torre ang charity fight sa Araneta Coliseum sa Linggo kaya kahapon ay nagpakondisyon na ito subalit wala pang impormasyon kung sisipot ang batang Duterte hanggang kahapon.

Walang ideya si Garin kung matutuloy ang laban o hindi subalit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nakakuha ng atensyon ng publiko ang pagtanggap ni Torre sa hamon ng Vice Mayor ng Davao City.

“But then it aroused the interest of the general public, oo nga no bakit ba tayo puro salita. Parang the message dun is walk your talk, yun ang pananaw ko,” ayon pa sa mambabatas kaya tinanggap ni Torre ang hamon. (JESSE RUIZ/BERNARD TAGUINOD)

152

Related posts

Leave a Comment