ISONUS: PLATFORM NA MAY PREMYO ANG PANONOOD

INILUNSAD noong 2025, ang ISONUS ay isang makabagong streaming platform na pinagsasama ang digital entertainment at mga aktwal na gantimpala. Sa murang subscription fee, maaaring makapanood ng original Filipino content ang mga subscribers, kumita ng tokens, at chance na manalo ng malalaking tax-free cash prizes.

Ganito ito gumagana: Habang nanonood ng content mula sa ISONUS creators, nakakakuha ng tokens ang mga users. Ang mga tokens na ito ay nauuwi sa game entries para sa bi-weekly ISONUS game shows na ‘Saan Aabot ang 1 Life Mo?’ at ‘Bes, Guess?!’ Ang bawat entry ay may tsansang manalo ng kalahating milyong jackpot prize, na tumataas ng ₱50,000 kada episode hanggang may manalo.

“Ginawa namin ang ISONUS para gantimpalaan ang mga viewers at creators — ‘yan ang misyon namin. At sa patuloy ninyong suporta, magagawa pa namin ito sa mas matagal pang panahon — hindi lang ₱600,000 ang pwedeng mapanalunan, kundi mas malaki pa,” pahayag ni ISONUS CEO Reymar Castillo.

Ito rin ang layunin kung bakit naging posible ang pagkapanalo ni Raffie Balaga. Mula sa isang kabataang isinantabi ang sariling pangarap para sa pamilya, hanggang sa manalo ng premyong kayang magbago ng buhay — ito ang klase ng kwento na nais pa ng ISONUS na malikha para sa mas maraming Pilipino.

“Kaya keep your eyes on us,” dagdag pa ni Castillo. “Dahil bawat stream, bawat token, bawat entry — baka ikaw na ang susunod.”

Ang susunod na ISONUS live game show ay gaganapin sa Agosto 2, 2025 sa Barangay 98, Tondo, Maynila. Magsisilbing hosts sa event sina Eloisa Jauod, Miss Universe Philippines 2025 fan favorite, at Richard Knows, isang kilalang TV host at digital personality. Mapapanood ito nang live sa opisyal na Facebook at YouTube pages ng ISONUS.

May panibagong jackpot na naman sa linya, kaya iniimbitahan muli ang mga Pilipino sa buong mundo na mag-subscribe, manood ng content, mag-ipon ng tokens, at magsumite ng kanilang maswerteng limang-letter entry. (Danny Bacolod)

214

Related posts

Leave a Comment