PROTOCOL SA BOMB THREAT, INILATAG SA SCHOOL OPENING

eleazar12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAGLATAG ng tamang protocol ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para maiwasang mag-panic ang libu-libong mga estudyante na magbabalik eskwela sa June 3  sa Metro Manila, sakaling may mga bomb threat sa kanilang mga paaralan.

Ayon kay NCRPO chief, P/Major Gen. Guillermo Eleazar, kabilang sa inilatag na protocol ang pagkakaroon ng contact person o marshal sa mga school na siyang sasagot kung may mga tawag ng bomb threat, magde-determina at magko-cordon sa lugar na itinuturo ng caller na kinalalagyan ng bomba at  magre-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

Inalerto na rin ng NCRPO ang kanilang  explosive ordnance disposal (EOD) units na siyang magsasagawa sakaling kailanganin ang search operation at pag-detonate sa mga posibleng pampasabog.

Hinikayat din ni Eleazar ang publiko na maging kalmado at huwag mataranta sa ganitong mga pagkakataon dahil sa tala ng NCRPO, karamihan sa mga bomb threats na kanilang natanggap sa Metro Manila sa nakalipas ay pawang mga peke at pananakot lamang mula sa mga prank calller.

“They should not just panic as everything possible is being done to neutralize these threats,” sabi ng NCRPO chief.

Nagpaalala rin si Eleazar kung ano ang dapat gawin sakaling makakita ng mga kahina-hinalang bagay. Aniya, kailangang tiyakin muna dahil posibleng aksidente lamang umano itong naiwan ng isang inibidwal na hindi naman dapat ikaalarma, kasunod ang payo sa mga school officials na agad ipagbigay alam sa pulisya.

Para tiyakin na walang anumang  magaganap na mga untoward incidents sa pagbubukas ng klase  nasa kabuuang 7,153 na mga police officers at personnel ang itatalaga para mangalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa Kalakhang Maynila sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa nabanggit na bilang 2,074 dito ang tututok sa iba’t ibang paaralan at mangangasiwa sa mga itatayong police assistance desk (PAD) para maging instrumento sa pagpapanatili ng seguridad at disiplina sa traffic sa palibot ng mga paaralan.

148

Related posts

Leave a Comment