UPANG mapalakas ang 911 Hotline ng Philippine National Police, sasaklolo ang ilang pastor, at health professional volunteers para sa mental health emergency.
Ayon kay PNP chief, General Nicolas Torre III, kung may isusumbong kaugnay sa kasong bullying ay maaaring tawagan ang Emergency 911.
Batay sa datos, simula noong Enero hanggang Hunyo ay nakapagtala ng mahigit 2,000 Pinoy na nag-suicide at ang ilan sa mga ito ay biktima ng physical at online bullying.
Maging ang hepe ng Pambansang Pulisya ay aminado na naging biktima siya ng pambu-bully kaya naging adbokasiya niya ito.
Matatandaang pinalagan din ni Torre ang pagtawag sa kanya ng “unggoy” ni acting Davao City Mayor Baste Duterte at sinabing hindi niya hahayaan ang ganitong klase ng bullying sa pulisya.
(TOTO NABAJA)
125
