MODERN EQUIPMENT SA LAS PINAS HOSPITAL

PINANGUNAHAN nina Senadora Camille Villar at dating senadora Cynthia Villar ang inagurasyon ng ilang mahahalagang imprastraktura at makabagong kagamitan sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center nitong Huwebes, Agosto 7.

Kabilang sa mga bagong ipinakilalang proyekto ang makabagong Radiology Imaging Machines, kabilang na ang CT at MRI scanners, isang bagong connecting bridge, at ang Senator Cynthia Villar Multi-Purpose Hall. Ang mga proyektong ito ay nagpapakita ng malaking pag-unlad sa kakayahan ng ospital na magbigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Las Piñas at mga karatig-lugar.

Ang mga inisyatibong ito ay pinondohan nina noo’y Kinatawan Camille Villar at Senadora Cynthia Villar.

Pinangunahan din ng mga Villar ang pagpapalawak ng bed capacity ng ospital sa 500 sa pamamagitan ng Republic Act 11497, na naging daan din sa pagtatayo ng isang 12-palapag na gusali ng ospital. Lalo nitong pinalawak ang kapasidad ng pasilidad na tumanggap at maglingkod sa mas maraming pasyente.

(Danny Bacolod)

117

Related posts

Leave a Comment