P20K MED PACKAGE SA PHILHEALTH PINAKUKUBRA SA MGA MIYEMBRO

HINIKAYAT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang lahat ng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kunin ang dalawampung libong piso na halaga ng gamot.

Ginawa ni BH party-list Rep. Robert Nazal ang panawagan sa mga miyembro ng PhilHealth matapos ilunsad ang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (Gamot) package.

Sa ilalim ng GAMOT package, magkakaroon ng P20,000 kada taon ang lahat ng miyembro ng PhilHealth para pambili ng mga ito ng kanilang gamot kasama na ang maintenance medicines.

“We encourage all members to register, get their prescriptions from accredited doctors, and claim their medicines at accredited pharmacies like Medical Depot. With this, no Filipino should be forced to skip treatment because of cost,” ani Nazal.

Nabatid na epektibo ang Gamot package mula noong Agosto 21 base sa inilabas ng Circular No. 2025-0013 ng PhilHealth upang matulungan ang mga outpatients sa kanilang mga pangangailangang medical.

Sa ngayon ay tanging ang mga nagkakasakit o naoospital dahil sa iba’t ibang uri ng sakit ang nakatatanggap ng tulong sa PhilHealth subalit dahil masyadong mahal ang gamot na kailangan ng mga ito ay bibigyan na rin ang mga ito ng tulong.

Kabilang sa paggagamitan sa nasabing halaga ay para sa infections, asthma, chronic obstructive pulmonary disease, diabetes, high cholesterol, hypertension, heart disease, nervous system disorders at ibang “supportive therapies”.

Upang mapakinabangan aniya ito, kailangan magrehistro ang mga miyembro sa Yaman ng Kalusugan Program para Malayo sa Sakit (Yakap) ng PhilHealth sa pamamagitan ng eGovPH app o kaya PhilHealth online portal at PhilHealth offices.

“We commend PhilHealth and DOH for turning this vision into reality. This is a historic breakthrough. Millions of Filipinos will finally have guaranteed access to essential medicines,” ani Nazal.

(BERNARD TAGUINOD)

59

Related posts

Leave a Comment