ITINANGGI ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang Discaya.
Ito ay makaraang may lumabas na ulat na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang sina Sarah at Pacifico Discaya.
Ang mag-asawang Discaya ay iniuugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa at kabilang sa listahan ng mga nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).
Nauna rito, may mga ulat online na umano’y bumiyahe na ang pamilya Discaya patungong Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, wala pa silang natatanggap na impormasyon kung nasa ibang bansa na rin ang mga kaanak ng mag-asawa.
Samantala, ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ilang indibidwal nang nasa labas ng bansa kahit nasa ilalim ng ILBO, pero karamihan aniya ay nananatili pa rin sa Pilipinas.
Nilinaw naman ng DOJ na ang ILBO ay para lamang sa monitoring at iba sa Hold Departure Order (HDO) na iniisyu ng korte.
Ngunit kung lalabas ng bansa ang mga sangkot, tiyak aniya na marami silang kailangang saguting katanungan.
(JOCELYN DOMENDEN)
