HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na arestuhin ang mga raliyistang nangalampag sa St. Gerrard Construction sa Pasig City, ayon kay NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin.
Nauna nang sinalakay ng mga raliyista ang compound ng pamilya Discaya kung saan pinagbabato ng putik ang tarangkahan at nagsulat ng salitang “Magnanakaw” gamit ang pintura.
Ayon kay Aberin, hindi nila palalampasin ang anumang pagkilos na hahantong sa kaguluhan, bagama’t tiniyak niyang paiiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance.
Nilinaw ng opisyal na wala pang pormal na reklamong inihahain laban sa mga raliyista, subalit nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya Discaya.
Sa ngayon, nasa 2,000 pulis ang nakakalat sa Metro Manila upang magbantay sa mga ikinakasang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo.
(TOTO NABAJA)
167 