SA gitna ng mainit na isyu ng flood control corruption at budget hearing, nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na huwag kalimutan ang pangunahing problema ng taumbayan—mataas na presyo ng pagkain, mahal na pagpapagamot, at kawalan ng trabaho.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Tulfo:
“Sana in between sa hearing ng flood control at usaping budget para sa 2026, mapagtuunan din natin ng pansin ang tatlong problema ng tao—pagkain, kalusugan, at trabaho.”
Dagdag pa ng senador, tama lamang na busisiin ang korapsyon para hindi na maulit, pero hindi dapat mawala sa pokus ng mga mambabatas ang pang-araw-araw na suliranin ng mga mamamayan.
“Tutal nariyan naman na ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), Department of Justice (DOJ), at National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy at makasuhan ang mga
opisyal na sangkot. I think it’s high time na Senado ay mag-focus na rin sa problema ng mga tao,” ani Tulfo.
Giit pa niya, bukod sa paglilinis ng gobyerno, malinaw ang panawagan ng publiko noong halalan: solusyon sa pagkain, kalusugan, trabaho, at edukasyon.
151 