IPINAGMALAKI ni Acting PNP Chief, PLTGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang malalaking tagumpay ng kapulisan laban sa kriminalidad at ilegal na droga nitong nakalipas na Setyembre.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf T. Tuaño, nakapagsagawa ang PNP ng 4,624 operasyon mula Setyembre 1 hanggang 30, 2025. Resulta nito, 4,246 drug personalities ang naaresto habang dalawa ang napatay sa engkwentro.
Nakumpiska rin ang nasa ₱245.1 milyon halaga ng droga, kabilang ang:
31,416.64 gramo shabu
15,676.42 gramo tuyong dahon ng marijuana
121,740 marijuana plants
3,448.98 gramo kush marijuana
40.02 gramo ecstasy
Bukod dito, umabot sa 7,660 wanted persons ang naaresto—kabilang ang 2,032 Most Wanted at 5,628 Other Wanted Persons.
Tiniyak ng PNP na hindi titigil ang kanilang operasyon para masiguro ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong bansa.
(TOTO NABAJA)
