Na-trauma sa sunod-sunod na aftershock 20,000 KATAO HINDI PA MAKABALIK SA KANILANG BAHAY

LUBHA umanong na-trauma o inabot ng matinding nerbyos ang maraming residente bunsod ng naramdamang lakas ng magnitude 6.9 earthquake na tumama sa Northern Cebu kaya marami pa rin ang natatakot sa tuwing nakararamdam ng aftershocks, dahilan para hindi muna magsipagbalikan sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Office of Civil Defense spokesperson Junie Castillo, bunsod ng nararanasang aftershocks, nanatiling takot ang pumipigil sa maraming residente na umuwi na sa kanilang mga bahay.

Nabatid na umabot sa 20,000 pang mga residente ang nananatili sa mga tent na nasa open spaces na nagsilbing evacuation centers kasunod ng malakas na lindol.

“Even if their houses were not damaged, people are still afraid to go back inside because of the frequent tremors,” ani Castillo. “It is traumatic for survivors who already experienced the quake,” dagdag pa ng tagapagsalita ng OCD.

Dahil dito, sinasabing lubhang mahalaga ngayon ang psychosocial services gaya ng incident stress debriefing na ipinagkakaloob ng social workers sa mga apektadong indibidwal.

“The focus has now shifted fully to relief, rehabilitation, and supporting displaced communities,” ani Castillo.

Nabatid na umabot sa 2,792 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) subalit 14 lamang dito na may magnitude na umaabot sa 1.0 hanggang magnitude 5.0 quakes, ang naramdaman.

Ayon sa Phivolcs, patuloy na makararanas ng aftershocks hanggang sa susunod pang mga araw.

Nabatid na mahigit 600 na kabahayan ang nawasak sa bunsod ng lindol kaya napilitan ang maraming residente ng northern part ng Cebu island na matulog sa mga lansangan habang nararamdaman nila ang aftershocks na yumayanig sa kanilang lugar.

(JESSE RUIZ)

41

Related posts

Leave a Comment