KASUNOD NG LINDOL, ZERO CRIME SA CEBU

IPINAGMALAKI ni Philippine National Police (PNP) acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na walang naitalang major crimes sa lalawigan ng Cebu matapos yanigin ng magnitude 6.9 earthquake na kumitil ng 72 katao.

Ayon kay Gen. Nartatez sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes, nakapagtala sila ng zero focused crimes sa lalawigan ng Cebu mula Oktubre 1 hanggang 5.

Itinuturing ng pulisya bilang “focus crimes” ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.

“In fact, one commendable thing is nandoon na rin sa mga kababayan natin na ang talagang mga Pilipino mga peace loving, lalong-lalo na sa Cebu, zero recorded crimes,” sabi pa ng heneral.

Kaugnay nito, pinapurihan ng PNP chief ang kanyang mga tauhan sa pangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Bukod sa pagtulong sa isinasagawang relief and rehabilitation ng pamahalaan sa earthquake-hit areas, umayuda rin sila sa pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya at pagmimintina ng maayos na daloy ng trapiko na nagbibigay daan sa “gradual restoration of normalcy” sa lalawigan.

“The quick response and continuous hard work of our personnel on the ground did not only pave the way for government assistance reaching more affected communities especially in the northern part of Cebu but also resulted in gradual restoration of normalcy in the entire province,” paliwanag ni Nartatez.

(JESSE RUIZ)

16

Related posts

Leave a Comment