SAN SIMON MAYOR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN

BINABAAN na ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Simbulan Punsalan Jr. dahil sa kasong administratibo, Grave Misconduct, Serious Dishonesty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service mula sa reklamo na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) at RealSteel Corporation.

Base sa Ombudsman’s Order, na may petsang September 15, 2025 na pirmado ni Acting Ombudsman Dante F. Vargas, nakitaan ng malakas na ebidensya ang kabilang panig laban kay Mayor Punsalan kaya ibinaba agad ang kautusan na suspension without pay for a maximum period of six (6) months pending the resolution of the administrative cases docketed as OMB-C-A-SEP-25-0192** and **OMB-C-A-SEP-25-0193.

Nag-ugat ang kaso mula sa inihain na reklamo nina RealSteel Corporation representatives Irwin H. Chua at Melodie E. Arellano, kabilang ang magkahiwalay na kaso na isinampa naman ng NBI para sa extortion attempt ni Mayor Punsalan.

Ayon sa pagsisiyasat ng Ombudsman, humingi ng ₱125 million, na naging ₱155 million, hanggang sa bumaba sa ₱80 million, ang alkalde kapalit ng patuloy na operasyon ng planta ng RealSteel sa San Simon na hindi mabubulabog sa pagpapatupad ng lokal na ordinansa ng bayan hinggil sa mga insentibo sa buwis.

Nakasaad pa sa complaint na nag-demand si Punsalan ng umano’y ₱30 million para sa upfront payment** noong August 5, 2025, bilang warning sa hindi pag-comply ng business permits ng RealSteel na kung saan ay naimpluwensyahan pa ang Sangguniang Bayan na ngayon ay kanyang political allies.

Isinagawa ng NBI ng entrapment operation noong August 5, 2025 sa Mabalacat City, Pampanga kung saan naaktuhan si Mayor Punsalan na tumatanggap ng ₱30 million na pre-marked and dusted boodle money mula sa isang representative ng RealSteel.

Iniutos na ng Ombudsman na “the evidence on record strongly establishes the guilt of Respondent Punsalan,” karagdagan pa rito ang kasong Grave Misconduct, Serious Dishonesty, and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service na kapag napatunayan ay magpapataw ng parusang pagpapatalsik sa serbisyo.

Ang administrative complaints naman ay nag-ugat sa criminal cases na una nang isinampa ng NBI at RealSteel sa Sandiganbayan 7th Division para sa kasong Robbery by Means of Extortion, violation of Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), and the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang kautusan ng Office of the Ombudsman para sa preventive suspension ay agad na ipatutupad sa oras na matanggap ito ng nasasakdal, at mananatiling epektibo hanggang sa matapos ang mga pagdinig, ngunit hindi lalampas sa anim na buwan, maliban na lamang kung maantala dahil sa mga kilos ng nasasakdal mismo.

Nabatid na ang kaso ng RealSteel ay umani ng pambansang atensyon na kung saan maituturing ito na isang mahalagang pagsubok para papanagutin ang mga tiwaling opisyal. (EG)

16

Related posts

Leave a Comment