P1.7-TRILYONG LUGI SA PSE, FAKE NEWS- GO

FAKE NEWS! — iyan ang matapang na pahayag ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go laban sa kumakalat na ulat na umano’y P1.7 trilyong piso ang nawala sa market value ng mga kompanyang nakalista sa Philippine Stock Exchange (PSE) dahil sa isyu ng korapsyon sa flood control projects.

Ayon kay Go, pawang kasinungalingan ang nasabing impormasyon na unang lumabas sa social media, kung saan sinasabing umabot sa 12% ang bagsak ng PSE.

“The attributed source confirmed na fake news ito at hindi galing sa kanila. The fact is, the drop wasn’t 12%. You may confirm this with the Philippine Stock Exchange or your favorite stock brokers,” ani Go.

Giit niya, 1.6% lang ang totoong ibinaba ng merkado mula August 11 hanggang 29, 2025 — malayong-malayo sa sinasabing 12% drop na kumalat online.

Sinabi pa ng kalihim na nakausap niya mismo ang PSE President at ilang top brokers, at lahat ay itinanggi ang naturang report.

“Sana po huwag na tayong magpaloko sa fake news,” paalala ni Go.

Dagdag pa niya, nakakalungkot na sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno para palakasin ang ekonomiya, may mga grupo pa ring sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon para sirain ang tiwala ng publiko.

(CHRISTIAN DALE)

80

Related posts

Leave a Comment