MAYROON nang person of interest sa pamamaslang kay Niruh Kyle Antatico, ang whistleblower mula sa National Irrigation Administration (NIA) Region 10, ayon kay Police Regional Office (PRO) 10 Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano.
Sa isang panayam sa telepono ng mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Abrahano na kumpiyansa sila sa kanilang isinasagawang imbestigasyon at malapit na nilang matukoy ang mga suspek na may malaking partisipasyon sa krimen.
Naglaan na rin ang National Office ng NIA ng ₱100,000 reward money para sa makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa agarang paglutas ng kaso. “Malaki ang posibilidad na maresolba ito sa lalong madaling panahon,” ani Abrahano.
Ang biktima ang nagsiwalat ng katiwalian sa isang ₱75 milyong proyekto ng NIA noong administrasyong Duterte.
(TOTO NABAJA)
161 