ITINANGGI ng Department of Health nitong Biyernes ang ulat na nagpapatupad ng lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI).
Ayon kay Health secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown –ang ulat ay isang fake news.
Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil sa umano’y ILI outbreak.
Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan na bunsod ng flu season.
Umabot sa 133,000 ang bilang ng mga kaso ng ILI noong Setyembre na mas mababa sa 155,000 kaso na iniulat sa kaparehong panahon noong 2024, ayon kay Herbosa.
(JOCELYN DOMENDEN)
