7 MAGKAKAPAMILYA PATAY SA NABUWAL NA PUNO

NASAWI ang pitong magkakapamilya matapos mabagsakan ng nabuwal na puno ng buli ang kanilang bahay sa Brgy. Cawayanin, Pitogo, Quezon nitong Linggo ng umaga.

Batay sa inisyal na ulat ng Pitogo Police, kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata — isang 11-anyos na lalaki at isang limang buwang sanggol na lalaki — pati na rin ang kanilang mga magulang na kapwa 35-anyos at ang kanilang 66-anyos na lolo.

Nangyari ang trahedya dakong alas-5:30 ng umaga habang mahimbing pang natutulog ang pamilya. Bigla umanong bumagsak ang puno ng buli na nakatanim sa gilid ng kanilang bahay.

Habang sinusulat ito, patuloy pa ang retrieval operation ng mga tauhan ng MDRRMO Pitogo upang makuha ang labi ng mga biktima.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa gitna ng malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong Ramil.

(NILOU DEL CARMEN)

18

Related posts

Leave a Comment