ATTY. MAGNO PORMAL NANG ITINALAGANG NBI DIRECTOR

PORMAL nang isinalin ni Retired Judge Jaime Santiago ang pamumuno ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Atty. Angelito Magno sa isang turn-over ceremony nitong Lunes ng umaga.

Matatandaang naghain si Santiago ng kanyang irrevocable resignation noong Agosto. Si Magno, na nagsilbi bilang Assistant Director sa ilalim ng pamumuno ni Santiago, ay naitalaga muna bilang Officer-in-Charge bago tuluyang italagang NBI Director.

Mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at empleyado ng ahensya sa NBI headquarters. Itinuturing si Magno bilang “insider” dahil nagsimula siya sa pinakamababang posisyon bilang project worker noong 1991, at umangat sa hanay bilang Special Investigator, Investigation Agent, Head Agent, Regional Director, at Assistant Director sa loob ng mahigit tatlumpu’t tatlong taon ng serbisyo.

Tiniyak ni Magno na ipagpapatuloy niya ang mga programa ni Santiago, partikular ang kampanya laban sa korapsyon at pagpapalakas ng integridad sa hanay ng NBI.

(JOCELYN DOMENDEN)

73

Related posts

Leave a Comment