13 lalawigan very high-risk alert PAGASA NAGBABALA NG 3-METER STORM SURGE

MAKARAANG magdeklara ng tropical storm warning signal number 3 ang state weather bureau kahapon, naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng posibleng 3-meter storm surge sa coastal provinces.

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ng kanilang operating arm, ang Office of Civil Defense, kasabay ng 3-meter storm surge warning ng PAGASA ang pagpapalikas ng mga nasa low lying and coastal areas.

Nabatid na nasa 13 probinsiya ang nasa ilalim ngayon ng Alert Level Charlie (Red), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Emergency Alerts Monitoring Center.

Habang papalapit ang Bagyong Tino sa Visayan Region ay patuloy umanong lalakas ito at ilang lalawigan na ang nasa ilalim ng Very High-Risk Alert gaya ng lalawigan ng Capiz.

Inaasahang makararanas ito ng malakas hanggang matinding ulan at hangin kaya nagbabala ang mga awtoridad tungkol sa posibleng pagbaha, landslides, at storm surges sa mabababang lugar at baybayin.

Hinikayat ang mga residente na manatili sa bahay, bantayan ang weather updates, at sundin ang mga paalala mula sa disaster management councils.

Ayon sa PAGASA, ang pinakamataas na signal na pwedeng iakyat habang dumaraan si Tino, ay Signal No. 4.

Patuloy na lumalakas ang bagyo habang tumatawid sa Philippine Sea patungo sa gitnang Pilipinas.

Sa kasalukuyan, maraming pamilya sa lalawigan ang inilikas na at pansamantalang nasa mga evacuation center.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa maraming lalawigan mula nitong Lunes hanggang Martes, Nobyembre 4.

Wala ring pasok sa mga opisina ng gobyerno maliban sa mga importanteng tanggapan ngayong may kalamidad.

(JESSE RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment