Nasan na si ‘Tambaloslos’ Martin Looter King?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA

BAKIT sobrang tahimik ang mainstream media (MSM) kay dating House Speaker Martin “Tambaloslos” Romualdez, aka, Tambaloslos – so kapal ng balat niya, at mind n’yo dear readers, hindi niya ikinahihiya na tawagin siyang Martin Looter King ng Pilipinas.

Noong siya pa ang Speaker ay siya ang pinakamakapangyarihan na maitutulad sa isang pugita, octopus, na ang bawat galamay ay may matatalim na sucker at ang mahawakan, walang kawala, walang ligtas.

Mula kasi nang maging Hari ng House of Representatives, (sabi ng marami, Representa-Thieves daw) ay umasta na siya na mas makapangyarihan pa sa kanyang pinsang si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at may malaking hinala na magkasabwat at magkatuwang sila ni First Lady Liza Araneta Marcos sa pagpapatakbo ng gobyerno – na sa loob ng mahigit na tatlong taon, may maililista ba tayong magandang accomplishments niya bilang Speaker dati, aha, ang alam kong natandaan ng marami: Impeachment ni VP Sara Duterte, P20 kilo ng bigas, pagpapatapon kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ingay at tension sa West Philippine Sea (WPS) at ang overdose (OD) case sa cocaine na ikinamatay ni Paolo Tantoco sa Los Angeles (LA) na very silent ang Malacañang.

May mga naiwan na tanong: Ano ang kaugnayan ni Speaker sa EEI Corporation na lahat na yata ng big projects sa construction, nakopo nito, ah, kasi, dati si Tambaloslos ang may hawak ng badyet, at hindi mahirap isipin, posible dati na kaya niyang tanggihan o piliin ang kontraktor na gagawa ng multi-bilyones na proyekto, ‘di ba?

Open secret sa publiko na may “kontrata” kung magkano ang maibubulsa ng nagpondo sa proyekto, kundi, ang bag-bidding na contractor ay hindi mapipili?

Bawat kilos noon ni Speaker, kailangan may “say” siya sa “magkano para kay Edi,” “para kay Pati” at “para kay Boss, para sa Itaas”, ganoon, ‘di ba?

May tanong pa: Totoo bang may kinalaman ang pamilya ni Martin Looter kaya naipasa ang 2024 charter amendment ng Philippine Veterans Bank at kapalit, ay ang paglalagay ng investment ng PVB sa mga negosyo ng mga Romualdez?

Napapansin nyo ba na maski ngayong hindi na siya House Speaker, wala sa MSM ang umuupak sa maraming anomalya o kontrobersiya na sangkot dati si Speaker – tulad ng blanks sa kinukuwestiyon dati ng Supreme Court (SC) sa 2025 national budget na superdami ang bilyones na ipinondo sa unprogrammed projects?

At ang ayuda — na ginamit sa pagbili ng boto noong nakaraang eleksyon — na sabi ni Rep. Toby Tiangco ay maraming kongresista ang nagkamal ng daan-daang milyong piso pero hindi pa rin nagawang maipanalo ang senatorial candidates ng Alyansa ni PBBM?

Lumalabas, mga masugid kong tagasubaybay, na puro PRs lang ang naging accomplishments ng dating Speaker, at hanggang ay walang umuupak sa kanya, kasi siya ang may-ari ng isang kilalang broadsheet, radio station, at totoo ba na kanya rin ang Journal Group of Companies?

Kung wala ang social media, walang makakaalam ng mga kabulastugan nito noong Speaker pa siya sa Kamara, at tanging ang hawak ni Romuwaldas na MSM ang bumobokelya ng mga propaganda pabor sa kanya, at nagtatakip ng mga kapalpakan, nakawan, kalokohan sa gobyerno, at ginamit pa na pagsikil sa boses ng taumbayan at mga kritiko.

Nagamit nang todo ni Tambaloslos noong Speaker pa ito, ang puwesto kaya nakapagnegosyo sa minahan sa Leyte na sumira sa kalikasan para magkamal ng salapi, at mapaboran sa pagbubuwis at iba pang batas para sa sariling pakinabang?

Kung ang mga personal na interes nito sa negosyo up to now, ay hindi magawang buklatin upang mahayag ang lahat sa publiko, asan ang isinisigaw nito kamakailan na dapat daw sa public servants ay bukas sa publiko ang sarili at nagtataguyod ng transparency at accountability?

Kaya suportado natin ang panukala pa dati ni Sen. Ping Lacson, (teka ‘di ko po kilala si Lacson), na ang lahat ng public official sa panahon ng panunungkulan ay dapat na i-waive ang bank secrecy law, ibig sabihin, hindi kokontra kung hingin ng publiko na buksan ang laman ng mga deposito sa bangko, kung kailangan.

Hindi ko lang alam kung susuportahan ito ng kapwa niya mambabatas, at kung totoong matapat si Lacson sa kagustuhan niyang maging bukas sa publiko at upang mabawasan ang korupsyon, magpasa siya ng resolusyon na burahin na ang Joint Resolution tungkol sa Liquidation by Certification.

Kasi, ito ay legalize corruption, maitatanong.

Kasi, hindi na kailangan pang magbigay ng kwento o resibo sa ginastos na pondo ang isang senador o kongresista sa tinanggap na pork barrel, confidential at intelligence funds, at ang ginastos sa operasyon ng opisina at tinatanggap na extraordinary expenses na bilyones pesos ang halaga.

Basta ang ginagawa, mag-submit lamang ng certification na maayos, matino at wasto ang paggastos sa pera at iyon lang, ayos na — walang dokumentasyon, walang paliwanag at walang resibo.

Kung ibinulsa, walang makakaalam na taga-Commission on Audit.

Ganyan kagarapal ang paggastos nila sa pera ng taumbayan, wala nang tuos-tuos pa at kuwentas klaras basta, certification lang ay ayos na ang buto-buto sa pera ng bayan.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon, sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.

122

Related posts

Leave a Comment