TINATAYANG 30% ng mga Filipino adult ang nagsabing mas mabuti ang kalidad ng kanilang buhay noong nakaraang taon, habang 32% naman ang nagsabing ito ay lumala.
Sa third quarter survey report ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Lunes, sinabi ng ahensya na 38% ang nagsabing nanatiling pareho ang kalidad ng kanilang buhay.
Ayon sa SWS, ang Net Gainers score — ang diperensya sa porsyento ng “Gainers” at “Losers” — ay nasa -2, na kinlasipika bilang “fair” (0 to -9).
“This is 14 points below the high +12 in June 2025, and the lowest since the fair -2 in September 2023,” ayon sa ulat.
Bumaba ang Net Gainers sa lahat ng rehiyon. Pinakamataas ang iskor sa Mindanao sa high +3, sinundan ng Visayas sa high +1, Balance Luzon sa fair -4, at Metro Manila sa fair -8.
“Compared to June 2025, Net Gainers dropped from very high to fair in Mindanao, down by 13 points from +16. It dropped from excellent to fair in the Visayas, down by 21 points from +22,” sabi ng SWS.
“It decreased from very high to fair in Metro Manila, down by 18 points from +10. It slipped from high to fair in Balance Luzon, down by 10 points from +6.”
Bumaba rin ang Net Gainers sa parehong urban at rural areas.
Sa gender distribution, parehong nakaranas ng pagbaba ang kababaihan at kalalakihan.
“Net Gainers fell from very high to fair among women, down by 16 points from +15 in June 2025 to -1 in September 2025. It fell from high to fair among men, down by 12 points from +9 to -3,” ayon sa SWS.
Nagtala rin ng pagbaba ang lahat ng age groups, lalo na sa 55 pataas, at lahat ng educational levels, partikular sa elementary graduates.
Mas mataas ang Net Gainers sa hanay ng mga pamilyang “Not Poor” kaysa sa “Borderline” at “Self-Rated Poor.”
Sa pinakahuling datos, 50% ng mga pamilyang Pilipino ang nag-rate sa sarili bilang Poor, 12% bilang Borderline, at 38% bilang Not Poor.
“The Net Gainers score has historically been lower among the Poor than the Borderline and Not Poor. This means the Poor have more Losers and fewer Gainers,” pahayag ng SWS.
Naitala ang high +9 na Net Gainers sa Not Poor, very high +10 sa Borderline, at mediocre -13 sa Poor.
Kumpara sa September 2025, bumaba ng 10 puntos ang Net Gainers ng Not Poor mula sa very high +19; bumagsak ng 21 puntos ang Poor mula high +8; subalit tumaas ng 6 puntos ang Borderline mula high +4.
Ang Third Quarter 2025 Social Weather Survey ay isinagawa noong September 24–30, 2025, gamit ang face-to-face interviews sa 1,500 adults (18 pataas) mula sa buong bansa: 300 sa Metro Manila, 600 sa Balance Luzon, at tig-300 sa Visayas at Mindanao.
Ang sampling error margins ay ±3% para sa national percentages, ±4% para sa Balance Luzon, at ±6% para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
(CHRISTIAN DALE)
20
