PAGREPASO SA PANUKALANG BUDGET PINAPAPASPASAN

AYAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng reenacted budget para sa 2026, kaya’t nanawagan ang Malacañang sa mga mambabatas: bilisan ang trabaho at huwag na patagalin ang pag-aaral ng panukalang badyet.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, “Bilisan ang trabaho. Dapat bilisan ang pag-aaral. Ayaw po ng Pangulo ng reenacted budget, alam po natin iyan. So, hangga’t maaari, bilis-bilisan natin—kahit kapos ang panahon, sana mas mapabilis natin.”

Bago ito, nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian na kapos na ang oras para maipasa ang 2026 national budget. Payo niya, kung hindi maipasa, posibleng maulit ang tinaguriang “pinakamaanomalyang” 2025 budget, na umano’y maraming insertions na wala sa isinumiteng National Expenditure Program.

(CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment