P60-B ‘DI NINAKAW, ‘DI PINANG-BAHA: FAKE ISSUE KAY RECTO, NABASAG

NILINAW ng Department of Finance (DOF) na walang basehan ang mga paratang na ang P60 bilyong pondo ng PhilHealth noong 2024 ay ni-divert para sa flood control, na itinuturo kay dating Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon sa DOF, hindi hawak ng ahensya ang flood control at wala rin silang kapangyarihang magbadyet para rito. Ito ay responsibilidad ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ipinaliwanag ng DOF na ang P60 bilyong remittance ng PhilHealth ay nakasaad sa General Appropriations Act (GAA) at nakalaan para sa health at social programs, kabilang ang mahigit P27 bilyong delayed payments sa health workers na nagserbisyo noong pandemya.

Idinagdag nila na ang pondo ay muling nakasaad sa 2026 budget at lumaki pa sa P113 bilyon, kaya walang sino mang nawalan o nagnakaw.

At kahit gawin pa umanong constitutional debate ito, malinaw ang prinsipyo: Kung may mali sa batas, ang mananagot ay batas mismo, hindi ang ahensiyang nagpatupad nito. Hindi puwedeng sisihin ang DOF dahil sumunod sila sa utos ng Kongreso.

Ayon sa DOF, ang paratang ay bunga ng maling impormasyon at hindi pagkakaintindihan sa proseso ng badyet. “May batas, sinunod ang batas, at ang pondo napunta sa tao, hindi sa baha,” wika ng ahensya.

40

Related posts

Leave a Comment