INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakasamsam sa P45.77 milyong halaga ng ilegal na droga sa loob ng isinagawang isang linggong operasyon sa buong bansa simula Nobyembre 21.
Nagresulta rin ito ng pagkakaaresto sa 73 drug suspects.
Kabilang sa mahahalagang anti-narcotics operation ang pagkakakumpiska sa 115 gramo ng umano’y shabu at pag-aresto sa apat na suspek sa Iloilo City; pagkasabat sa 1,395.65 gramo at 1,079.19 gramo ng shabu sa Tacloban, Leyte; buy-bust operations sa Davao provinces na nakakuha ng 169,575 gramo at 500 gramo ng shabu; interception ng 5,000 gramo ng marijuana bricks sa Sultan Kudarat at Maguindanao; at pagsira sa 75,878 ganap na lumaking halaman ng marijuana sa tri-boundary ng Benguet, La Union, at Ilocos Sur.
Kabilang sa drug personalities na naaresto ang 33 pusher, 10 may-ari ng drug den, limang empleyado, 12 kliyente, siyam for possession, tatlong nagtatanim, at isang gumagamit.
(JESSE RUIZ)
34
