REMULLA KUMAMBYO SA EXTRADITION VS ZALDY CO

BINAWI ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang nauna nitong pahayag na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pag-apply ng formal application para sa extradition treaty sa Portugal kaugnay ng pag-aresto sa dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Sa phone interview ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), nilinaw ni Remulla na pag-aaral pa lamang ang direktiba ng Pangulo.

“Let me clarify. The President instructed to study the possibility of applying for extradition of Zaldy Co with Portugal. Pinag-aaralan pa namin kasi ang magulo dito ay wala tayong extradition treaty, but there are other avenues that we can pursue na gusto niyang pag-aralan,” ani Remulla.

Nang tanungin kung ano ang mga tinutukoy na avenues, sinabi ng kalihim na kabilang dito ang Interpol, United Nations (UN), at iba pang international agencies.

“So, pinag-aaralan pa namin kung paano gagawin,” dagdag pa niya.

Aminado rin si Remulla na kung itutulak ang isang extradition treaty, matatagalan ito.

“A treaty takes years and years so the other avenues possible is pag-aralan kung paano namin, natin magagawa ang extradition niya without passing through a treaty,” aniya.

Sa usapin kung mae-extradite ba si Zaldy Co kahit walang treaty o kung repatriation lamang ang mangyayari, muling iginiit ni Remulla na pinag-aaralan pa ito ng pamahalaan.

“We will study… Ang instruction ay pag-aralan namin kung paano namin…” ani Remulla, sabay-diin na ang pangunahing layunin ay maibalik sa Pilipinas si Co.

“Yes, oo. All avenues para magawa namin ‘yan,” dagdag pa niya.

Tuluyan namang nilinaw ng kalihim na repatriation—not extradition—ang direksyong tinatahak ng gobyerno.

“Extradition is almost impossible kasi wala nga tayong treaty, but we’re exploring all avenues. We will look for all possible means to repatriate Zaldy Co to the Philippines. Not extradite. Repatriate,” giit ni Remulla.

Nauna nang sinabi ni Remulla sa isang press briefing sa Malacañang na nais umano ng Pangulo na magkaroon ng extradition treaty sa Portugal at iniutos na ang pag-apply nito kahit walang umiiral na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi rin noon ng kalihim na sa pamamagitan ng Interpol ay magre-request ang gobyerno ng repatriation ni Co, kung mapapatunayang nasa Portugal ito.

Si Co ay pinaniniwalaang nasa Portugal sa gitna ng nagpapatuloy na pag-aresto sa mga indibidwal na kinasuhan kaugnay ng umano’y flood control mess sa Oriental Mindoro. Hinihinala rin na may hawak itong Portuguese passport na nakuha umano “many years ago.”

(CHRISTIAN DALE)

2

Related posts

Leave a Comment