HOPE ni GUILLER VALENCIA
“FOR I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11 (NIV)
Ang Diyos ay may magandang plano sa kanyang mga mananampalataya. Ngunit minsan, dahil sa ating mga kasalanan ay nagkakaroon ng sagabal sa plano. Ang mga taga Judah ay sumuway sa maraming pagkakataon at sila ay dinisiplina ng Diyos. Kaya naman, sila ay nasakop ng Babylonian at na-exile. Sa kabila ng set-back, ang verse natin ngayon ay nagsasaad na mayroong magandang plano ang Diyos para sa kanila.
Gayundin naman, ang Diyos ay mayroon magandang plano sa atin, Bagaman, ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kahinaan at pagkukulang sa inaasahan ng Diyos. Hindi siya nag-give up sa atin. Dahil nga, tayo’y handiwork ng Diyos, created in Christ Jesus para sa paggawa ng mabuti na kung saan inihanda ng Diyos in advance para gawin natin (Ephesians 2:10).
Alam ng Diyos ang plano para sa atin from all eternity at patuloy siyang kumikilos to bring about their fulfillment in our lives. Maaari tayong disiplinahin from time to time, pero hindi nangangahulugang tayo ay para sirain. Ibig sabihin lang, na inihahanda tayo para maisakatuparan ang kanyang plano (Hebrews 12:4-13).
Ang kanyang plano, gaya ng kanyang mga pangako, para sa prosperity and not for our harm. Hindi dapat na pahintulutan natin ang ating sarili na ma-discourage dahil sa ating past failures at sa kanyang mga disiplina sa atin. Kailangan nating magtiwala sa Diyos na ang kanyang mabubuting plano para sa atin ay matatag (stand firm).
Because the plans stand firm, mayroon tayong pag-asa at kinabukasan. May mga pagsubok at pagdisiplina mula sa Diyos, subalit tandaan natin na mayroon tayong hope and future. Magpatuloy lang tayo para sa fulfillment ng plano ng Diyos sa atin! Hindi siya nag-give up para sa atin, gayundin tayo ay ‘di dapat mag-give up! May planong maganda ang Diyos para sa atin! Dapat lang natin tandaan, na kailangan may personal tayong relasyon sa Diyos. Tanggapin si Kristo bilang personal na Lord and Savior. (givalencia777@gmail.com)
2
