NASABAT ng mga operatiba ng Pasay City Police Station ang humigit-kumulang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon mula sa isang high-value individual (HVI) sa isang intelligence-driven operation sa Seaside Boulevard, Barangay 76, Pasay City nitong Martes ng gabi.
Dakong alas-11:00 ng gabi ng Enero 13, 2026, ikinasa ng mga tauhan ng Sub-Station 10 (MOA) ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa PDEG-SOU 3 sa pamamagitan ng confidential informant.
Inaresto ang suspek na si alyas “Farhanie,” 26-anyos, matapos makumpiska mula sa kanya ang dalawang eco-bag na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Isinailalim na sa forensic examination ang nakumpiskang droga habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.
Pinuri ni SPD Director BGen. Randy Y. Arceo ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.
(CHAI JULIAN)
1
